Nasawi ang tatlong menor de edad nang bumangga nang head-on ang sinasakyang motorsiklo sa isang bus sa Barangay Burgos.
Batay sa paunang imbestigasyon ng Cadiz City Police Station, papunta umano sa pagbili ng pagkain ang mga biktima nang mangyari ang aksidente.
Nag-overtake umano ang motorsiklo sa isa pang sasakyan ngunit hindi agad nakabalik sa tamang linya kaya nasalubong at nabangga ang kasalubong na bus.
“Naghinay-hinay ang bus kasi may bababa raw na pasahero. Ang motorcycle, nag-overtake sa isa ring motorsiklo. However, nag-slant ang direction papunta sa dalawang lane kaya ang nakasalubong niya (na bus), nabangga niya,” ayon kay Lt. Daleen Grace Loreno, Deputy Chief ng Cadiz City Police Station.
Iniimbestigahan din ng pulisya ang ulat na posibleng nakainom ang mga biktima bago ang insidente.
“According to witnesses, uminom sila sa pinanggalingan nila. However, dini-deny rin ng mga magulang,” dagdag ni Loreno.
Iginiit naman ng kumpanya ng bus, sa pamamagitan ng tagapagsalita nitong si Jade Marquez, na nasa tamang linya ang kanilang drayber at handa silang magbigay ng tulong sa pamilya ng mga biktima.
“Hindi pa lumalapit sa amin ang pamilya. Gusto ko lang i-clarify na no fault kami sa aksidente. Every time may aksidente sa aming units, palagi kasi kaming sinisisi na kasalanan raw ng drayber,” aniya.
Pinalaya na ng pulisya ang drayber ng bus habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.
Trending
- Halos 1000 atleta, sasabak sa PH Athletic Championships
- Ama ni Divine Adili sumisigaw ng hustisya
- Nadine Samonte gigil sa ugali ng ilang flight attendants
- Kaye Abad nagpa-pink ribbon tattoo bilang simbolo ng pag-survive niya sa cancer
- Claudia pinapaalis apelyido ni Dennis Padilla
- Testimonya ng 18 ‘Maleta Boys’ hindi tatayo sa korte – Malacañang
- P50K sahod sa mga Pinoy nurse itinulak
- Chavit, nagpiyansa sa cyberlibel

