Nasawi ang tatlong babae nang malunod nang aksidenteng lumubog ang sinasakyan nilang bangka habang naglalayag sa karagatang sakop ng Brgy. Pandan sa Alaminos City, Pangasinan.
Ang mga namatay na biktima kinabibilangan ng dalawang matanda na kapwa 50-anyos na mga taga-Porac, Pampanga; at isang 45-taong gulang na taga Brgy. Calulut, San Fernando.
Sa ulat ng Pangasinan Police, nangyari ang insidente noong Linggo (Marso 22) ng umaga sa karagatan ng nabanggit na lugar.
Nabatid na pawang mga real state agents ang mga biktima na sumakay ng pampasaherong bangkang MB Venus kasama ang 11 iba pang mga pasahero.
Habang naglalayag sa karagatan ng nasabing lugar, binalya ng malalakas na hangin at alon ang bangka bunsod upang tuluyan itong lumubog.
Nagawa pang maiahon ng mga rescuers ang tatlong babae na mabilis na isinugod sa pagamutan pero pawang idineklarang dead-on-arrival.
Nabatid na pag-aari ang bangka ng 52-anyos na operator na residente ng Barangay Pandan, Alaminos City na ngayo’y nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in 3-counts of homicide.
Trending
- Kaye Abad nagpa-pink ribbon tattoo bilang simbolo ng pag-survive niya sa cancer
- Claudia pinapaalis apelyido ni Dennis Padilla
- Testimonya ng 18 ‘Maleta Boys’ hindi tatayo sa korte – Malacañang
- P50K sahod sa mga Pinoy nurse itinulak
- Chavit, nagpiyansa sa cyberlibel
- Ombudsman nais ng individual affidavits mula sa 18 ex-bodyguard ni Zaldy Co
- Oil price rollback, nakaumang sa sunod na linggo
- PBBM sa mga Pilipino: Tularan ang kabayanihan ng mga bayani
