Patuloy na hinahanap ng mga awtoridad sa Indonesia ang isang pampasaherong barko na may 243 sakay matapos mawalan ng komunikasyon habang naglalayag sa Java Sea nitong Linggo, Setyembre 13, 2026.
Ayon sa Indonesian search and rescue agency, bumiyahe ang Virgo Transport 8 mula Surabaya patungong Banjarmasin nitong Sabado.
Agad na ikinasa ang search and rescue operation at tinutungo ng mga rescuer ang huling natukoy na lokasyon ng barko.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang dahilan ng pagkawala ng komunikasyon, habang patuloy ang paghahanap sa barko at mga sakay nito.
Trending
- 2 menor de edad sugatan sa bakbakan sa Maguindanao del Sur
- Estudyante patay nang 2 beses masagasaan ng motorsiklo
- Transgender pinaghubad ng bra sa iskul
- Dyip tumagilid sa Maynila: 1 patay, 8 sugatan
- 4 NPA patay sa engkuentro
- Pinas, pinakamabilis umunlad na bansa sa PISA
- ‘Unified PWD ID System,’ kasado na!
- Baguio City, gold award sa ASEAN Smoke-Free Awards; Pasig bronze

