Una raw ang Pilipinas sa listahan ng bansang pinakamabilis na umunlad hindi lang sa pagbasa kundi pati sa buong 2025 Programme for International Student Assessment (PISA), ayon sa Department of Education.
Isang pag-aaral ang PISA na ginagawa ng Organisation for Economic Cooperation and Development (OECD) upang tasahin ang kakayahan sa Mathematics, Reading, at Science ng mga estudyanteng may edad 15.
Ayon sa opisyal na website ng DepEd nitong Biyernes, Setyembre 11, iniulat nila na batay sa OECD, nakapagtala ang Pilipinas ng karagdagang 25 puntos sa Mathematics at 22 sa Science, dahilan para mapabilang ang bansa sa mga mabilis na umunlad na sistema tulad ng Cambodia, Türkiye, Qatar, at Brunei Darussalam.
Sinasabi rin dito na isa umano ang Pilipinas sa walong sistema lang sa mundo na nagtala sa tatlong larangan mula 2022 hanggang 2025. Kasama rito ang Georgia, Cambodia, Jordan, Montenegro, United Arab Emirates, Thailand, at Türkiye.
Ngunit paalala ni DepEd Sec. Sonny Angara, hindi umano ito ang “finish line.”
“While we celebrate being named the global top improver in Reading, we view this not as a finish line, but as validation that our direction is working,” anang kalihim.
Dagdag pa niya, “We still have a long way to go, but our learners have proven that given the right support, they can leap forward.”
Matatandang mula sa pangungulelat ng Pilpinas bilang ika-79 na bansa sa Reading noong 2018 PISA cycle, nagawa nitong umarangkada upang pangunahan ang pag-unlad sa buong mundo.
Trending
- 2 menor de edad sugatan sa bakbakan sa Maguindanao del Sur
- Estudyante patay nang 2 beses masagasaan ng motorsiklo
- Transgender pinaghubad ng bra sa iskul
- Dyip tumagilid sa Maynila: 1 patay, 8 sugatan
- 4 NPA patay sa engkuentro
- Pinas, pinakamabilis umunlad na bansa sa PISA
- ‘Unified PWD ID System,’ kasado na!
- Baguio City, gold award sa ASEAN Smoke-Free Awards; Pasig bronze

