Dalawang hinihinalang drug pusher ang arestado kabilang ang isang lolo sa magkahiwalay na operation sa Valenzuela City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District Acting Director Police /Brigadier general Christopher Dela Cruz, sinabi ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit Chief Police Leutenant Sherwin Dascil na ikinasa nila ang buy bust operation kontra kay alyas “Erik”, beinte sais anyos, ng Barangay Bignay na nagpositibo ang natanggap nilang report hinggil sa pagbebenta umano nito ng shabu.
Nang tanggapin umano ni ‘Erik’ ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu, ay agad siyang dinamba ng mga tauhan ni Dascil alas-3:45 ng madaling araw sa waiting shed, sa West service road, Barangay Paso De Blas.
Nakuha sa suspek ang nasa limang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng thirty four thousand pesos, buy bust money na isang tunay five hundred peso bill, kasama ang dalawang five hundred boodle money, pulang coin purse at two hundred peso cash.
Samantala, dakong alas tres kuwarentay singko ng hapon nang maaktuhan ng mga tauhan ng Malinta Police Sub-Station four ang dalawang lalaki na abala umano sa pagsusugal ng kara krus sa harap ng isang abandonadong bahay sa Makipot Bukid, Barangay . Malinta.
Nasamsam sa kanila ang bet money, pangara at isang plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu na nakuha kay alyas “Erne”, garbage collector.
