Sumuko ang dalawa sa apat na suspek sa sipsip diesel modus sa Barangay Fairview, Quezon City noong March 31.
Kinilala ang mga suspek na si alias “Ezekiel,” 26 taong gulang mula sa Brgy. Payatas, Quezon City; at si alias “Benjie,” 26 taong gulang mula sa Brgy. Commonwealth, Quezon City; na umaming nagawa nila ang krimen dahil natalo sila sa sugal.
Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD), lumalabas na aabot sa 60 litro ng diesel ang nakuha ng mga suspek, na nagkakahalaga ng P7,080.
Nadiskubre rin ng mga awtoridad na ibinenta ng mga suspek ang naturang diesel sa mga jeepney driver sa Litex Area sa halagang P3,500 pasado alas-3 ng umaga sa parehong araw ng krimen.
Sa ngayon, pinaghahanap pa ng awtoridad ang dalawa pa nilang kasama na kinilalang sina alias Albert, 32 taong gulang na siyang nanipsip ng naturang diesel mula sa nakaparadang elf truck sa Corvette Street; at si alias Bimbo, 19 taong gulang, na parehong residente ng Barangay Commonwealth.
Samantala, sasampahan ng reklamong theft ng QCPD ang dalawang sumukong suspek, maging ang dalawang pinaghahanap pa sa Quezon City Prosecutor’s Office.
Trending
- Halos 1000 atleta, sasabak sa PH Athletic Championships
- Ama ni Divine Adili sumisigaw ng hustisya
- Nadine Samonte gigil sa ugali ng ilang flight attendants
- Kaye Abad nagpa-pink ribbon tattoo bilang simbolo ng pag-survive niya sa cancer
- Claudia pinapaalis apelyido ni Dennis Padilla
- Testimonya ng 18 ‘Maleta Boys’ hindi tatayo sa korte – Malacañang
- P50K sahod sa mga Pinoy nurse itinulak
- Chavit, nagpiyansa sa cyberlibel

