Tukoy na ang mga salarin sa pagpatay kay dating Miss Philippines Earth 2013 Runner-up na si Lullete Jane Ramilo, ayon sa Cagayan Valley police.
Isa sa mga suspek na kinilalang si alyas “Jay R” ang pormal nang kinasuhan ng kasong murder.
Hindi muna tinukoy ng pulisya ang direktang kaugnayan ng nasabing suspek na sumasailalim sa preliminary investigation ng piskalya.
Matatandaang Pebrero 13 nang pagbabarilin si Ramilo habang sakay ng SUV sa harap ng kanilang bahay sa Barangay Cabaritan, San Manuel, Isabela.
Personal na galit at inggit ang tinitingnan ng pulisya na motibo sa krimen.
Dagdag ng pulisya, masusi ang case build-up at koordinasyon nila sa Office of the Provincial Prosecutor para matiyak ang integridad ng mga ebidensya at ang agarang pagsasampa ng mga kaso laban sa iba pang suspek.

Share.
Exit mobile version