Ilang araw matapos ang pag-upo ni Senador Alan Peter Cayetano bilang bagong Senate president, lumutang ang posibilidad ng panibagong pagbabago sa liderato ng Senado.
Ayon sa nakalap ng Bilyonaryo News Channel, si Senador Juan Miguel Zubiri ay itinutulak ngayon bilang posibleng bagong Senate president, na posible umanong maganap na sa Lunes, Mayo 18.
Si Zubiri ay tinuturing umanong “consensus candidate” na maaaring magpatahimik sa tensiyon at magbigay ng balanse sa nahahati nang Senado.
Maaari umanong gamitin ni Zubiri ang kanyang tinatawag na “seatmate bloc” upang makuha ang 13 boto na kailangan para masungkit ang pagka-pangulo sa Senado.
Matatandaang una nang ibinunyag ni Cayetano ang plano umano ng bagong minority bloc na patalsikin siya bilang Senate president.
“Medyo busy sila ngayon, na tina-try kausapin ‘yung mga miyembro namin na sumali ulit sa kanila,” ani Cayetano sa isang press briefing.
“May invitations to talk, may pananakot but dati na silang takot eh,” dagdag niya.
Trending
- La Salle winalis ang inaugural UAAP golf tournament
- Gandler, Santos lumagda sa Capital 1
- AJ Raval, pinagsisihan pagiging hubadera
- Darryl Yap, bumwelta kay Vivoree Esclito: ‘Mag-ahit ka!’
- Ruffa may sweet message sa birthday ni Herbert
- Pagtutulak sa Charter Change ibinabala ni VP Sara; Termino ni PBBM, mapapahaba
- 1-year appointment ban sa mga talunan sa 2025 poll, tapos na
- Ilang reaksyon sa P50 rice price cap

