Nakatanggap ng P802 milyon si dating House appropriations committee chairperson and Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co mula sa Sunwest Construction, contractor ng umano’y P289 milyong ghost flood control project sa Naujan, Oriental mindoro ayon sa witness mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) nitong Martes, Abril 7.
Tumestigo si Atty. Jan Mark Busa ng AMLC para sa prosekusyon at sinabi ang testimonyang ito sa paglilitis ng malversation case laban kay Co at 15 iba pa sa Sandiganbayan Sixth Division.
Ani Busa, si Co ay tumanggap ng P802 milyon sa pamamagitan ng check deposits mula sa mga account ng Sunwest mula 2019 hanggang 2025.
Ang mga panahong ito ay ang termino ni Co bilang Ako Bicol party-list representative.
Bilang public official, si Co ay pinagbabawalan ng batas sa pagkakaroon ng business interests.
Kalaunan ay sinabi ng Ombudsman prosecutors na ang pagtanggap ni Co ng P802 milyon mula sa Sunwest ay sumusuporta sa kanilang pahayag na ito ay nanatiling beneficial owner ng kompanya at hindi nag-divest, salungat sa mga naunang pahayag ng dating mambabatas.
“Co has no direct participation in the transaction [of the project]because the one contracting with the DPWH is Sunwest. But the fact that he’s the beneficial owner, which we are trying to prove, essentially shows that the benefits and amounts [from Sunwest]went to him,” ayon sa prosecution panel.
Kasalukuyan pa ring pinaghahanap sina Co at mga co-accused nito na mga opisyal ng Sunwest
Trending
- San Beda Red Lions player JV Gallego pumanaw na
- Alex Eala makakatambal muli si Venus Williams
- Rommel to the rescue kay Robin, binarag si Angel!
- Awra, nagpa-rhinoplasty, bet magmukhang Latina!
- Gwendoline Meliz Soriano : Binibining Pilipinas International 2026
- Marcoleta, ‘di nakakulong sa air-conditioned cell
- Pulis sa ‘mistaken identity’ na- inquest proceedings
- 4 PH-registered vessel nakalabas na sa Hormuz

