Posibleng maibalik sa Pilipinas si dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co sa loob ng isa hanggang tatlong linggo, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.
Matapos itong ianunisyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Abril 16 na naaresto si Co sa Czech Republic, at kasalukuyang nakakulong sa Prague, matapos ang siyam na buwang pagtatago sa ibang bansa dahil sa umano’y pagkakasangkot sa flood control scandal.
Ayon kay Remulla, namataan si Co sa Italy tatlong linggo na ang nakakalipas at palipat-lipat ito ng lugar, habang naaresto naman dahil sa nakanselang pasaporte.
“Hindi niya dala ‘yung kanyang Portuguese passport. Wala siyang dala. Parang nakampante na. Wala siyang travel document so hinuli kaagad,” saad ni Remulla nitong Biyernes, Abril 17.
Samantala, nakikipag-ugnayan na umano ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Czech authorities para sa deportasyon ni Co.
“Siguro as little as one week or as long as three weeks. Depende ‘yan sa [Department of Foreign Affairs]. Sila talaga ang lead dito,” ayon pa kay Remulla.
Pagdating sa bansa, ikukulong umano si Co sa Camp Crame at haharap sa kaso sa Sandiganbayan kaugnay ng graft at malversation sa umano’y iregularidad sa P289.4 milyong road dike project sa Naujan, Oriental Mindoro.
Trending
- Pinas, magho-host ng 2026 Asia and Oceania Sambo Championships sa Hunyo
- Alex Eala, handa na para sa Madrid Open WTA 1000
- Enchong Dee ibinunyag masamang karanasan sa Air France
- Charlie Puth magko-concert sa ‘Pinas
- Britney Spears nagpa-rehab dahil sa alak, droga
- Crime gang leader todas sa engkuentro sa Isabela
- Lider ng Magsanoc group patay, 2 huli sa engkuentro
- 2 katao patay sa sumabog na acetylene tank

