Napiling Reyna Elena sa Grand Santacruzan 2026 si Winwyn Marquez.
Ang peg lang naman niya’y patunayang siya ang perfect choice.
She made heads turn nga as she showed up during the contract signing ng Philippine Travel Agencies Association (PTAA) at Intramuros Administration (IA).
Sagot nga ng PTAA president: “Why not Winwyn?”
Lagi daw kasing pipiliin ng asosasyon ang isang role model o huwaran para kumatawan sa mga Pilipino at ating kultura.
Malaki ngang bentahe ang pagiging titlist ni Winwyn ng Reina Hispanoamericana the first ever Filipina.
Walang duda daw na si Winwyn ang isa sa mga “best Reyna Elenas in Intramuros.”
Aminado naman si Winwyn na nakakadama siya ng pressure, but it has nothing to do with her looks or outfit.
Aniya: “I don’t think I’m the best…but I’m honored to be there…it’s about how you show your true Filipino attitude. I want them to see the real tradition!”
Hindi lang daw ito rampahan kundi pagpapakita ng respeto, kababaang-loob na siyang tunay na diwa ng pagiging isang Pilipino.
Sa May 22 ganap na 5pm ggaganapin ang Grand Santacruzan.
Pero marami ang nagtatanong–bakit umatras si Winwyn sa Miss Grand International All Stars?

Share.
Exit mobile version