Ang guwapo talaga ni Joaquin Arce, dahil mukhang nakuha na niya ang matamis na sagot ni Lella Ford, ha!

Lalo tuloy umasa ang LelQuin shippers na may espesyal na ngang namamagitan sa mga dating ‘Pinoy Big Brother’ housemates matapos ang kanilang guesting sa ‘Stars on Stars’ ng Jeepney TV.

Sa naturang interview, diretsahang natanong sina Joaquin at Lella tungkol sa estado ng kanilang relasyon at kung ano ang kahulugan ng kanilang pagiging espesyal sa isa’t isa.

“It means a lot to me every day,” simpleng sagot ni Joaquin nang tanungin kung ano ang tingin niya sa relasyon nila ni Lella.

Para naman kay Lella, “It’s something that I value today and every day.”

Pero mas umigting ang kilig nang si Joaquin na mismo ang nagtanong kay Lella tungkol sa posibilidad ng kanilang relasyon sa hinaharap.

“If I were to ask you a question about us in the future, would you still say yes?” tanong ni Joaquin kay Lella.

Nag-shoutout pa si Joaquin sa kapwa niyang ‘PBB’ housemate na si Carmelle na tila nagbigay sa kanya ng tips paano magpakilig!

“Ma, Carmelle, I got this from you,” hirit ni Joaquin habang nakatitig kay Lella.

At ang sagot ni Lella? “Yes.”

Samantala, nang tanungin naman si Lella kung ano ang nagustuhan niya kay Joaquin, agad niyang pinuri ang pagiging consistent ng binata.

“You’re very consistent. Not everyone has that at mas pipiliin ko ‘yung taong consistent kaysa sa best foot forward lagi pero ‘pag tumagal wala na,” sey ni Lella.

Bagama’t hindi man tahasang nilagyan ng label ng dalawa ang kanilang relasyon, mukhang may matamis na ‘yes’ na nakuha si Joaquin!

Ang tanong ng mga faney, kailan naman kaya sila magkakaroon ng proyekto na magkasama? Aba, ang dami na ngang abangers, ha!

At tanong pa rin ng mga faney, ano kaya ang reaksiyon ni Daniel Padilla, na utol ni Lella?

Anyway, mapapanood ang buong interview nina Joaquin at Lella sa ‘Stars on Stars’ sa Jeepney TV Facebook page at YouTube channel.

 

===

Share.
Exit mobile version