Nagsilbing giveaway ang teaser para isipin ng publiko na
mapapanood uli si Willie Revillame sa GMA o sa sister channel nito via Wowowin.
Makikita kasi sa teaser ang logo ng puso with matching message na “Nakaka-miss makasama kayo.”
Matatandaang naging tahanan ni Willie ang GMA mula May 10, 2015 hanggang April 5, 2023.
Nitong April 27, sinabi ni Willie na ang kanyang Wilyonaryo ay magtatapos na sa May 15.
Pero ang magbabalik ay Wowowin.
Sa katunayan, inaayos na daw ang studio sa pagbabalik ng programa mula Lunes hanggang Biyernes.
Saad pa ng TV host, magiging online gaming na daw ang Wilyonaryo: “Out na po ako doon!”
Sa ngayon, hindi pa tiyak kung saan eere ang Wowowin pero sa buwan ng Mayo na ito.
Bumili pa nga daw si Willie ng bagong studio.
Trending
- FILIPINAS VS UKRAINIE :WTA NO0.16 EALA KONTRA OLIYNYKOVA
- EJ Obiena nasungkit ang ginto sa ISTAF Berlin
- Lella Ford ibinigay na ang matamis na ‘yes’ kay Joaquin
- VMX star Lea Bernabe ayaw magkadyowa ng foreigner
- Charo Santos hindi tumatanda, pambato sa Chinese drama
- Anti-dengue, anti-leptospirosis pinalakas ng DepEd
- Army nagdagdag ng 2 battalion para sa BARMM Polls
- 3M ektarya ng sakahan poprotektahan sa paglawak ng solar projects
