Island life is close to Shuvee Etrata’s heart.
Nasa Siargao ngayon ang aktres, communing with nature.
Sa mga hindi nakakaalam, Shuvee is an island lass herself.
Pero sa isang viral video sa X, tila nawala sa wisyo ang isang faney nang maispatan si Shuvee.
Game na nakikipag-selfie ang aktres sa mga nakakasalubong niya sa isla.
May isang female fan na bigla na lang hinablot ang kamay ni Shuvee at pinilit na makasama sa picture.
Ikinagulat ‘yon ni Shuvee pero pinagbigyan din niya ito.
Just as Shuvee was about to leave, aba, hindi pa nakuntento ang babae–hinampas niya talaga ang “behind” ni Shuvee!
Hindi ikinatuwa ng ilang netizens ang inasal ng female fan.
Close daw ba sila ni Shuvee para gawin niya ‘yon which was overboard?
Tinawag na kabastusan ang ginawang ‘yon ng faney.
Mabuti’t mabait pa din daw si Shuvee who kept her cool.
Ending, since nasa Siargao din lang si Shuvee ay hindi niya pinalampas ang pagkakataong mag-surting!
Namili din siya ng mga sariwang prutas para lantakan–what a way to ease her “bad trip”!
====
Trending
- EALA UPSETS SWIATEK IN A CARDIAC GAME
- Spain, dinomina ang pisikalang laban kontra Austria, 3-0
- Heart, naospital na, na-bash pa
- Wetpax ni Shuvee, hinampas ng fan
- BB, kampi kay Robin sa Juvenile Justice Law
- Suporta ng Japan sa paglago ng Pilipinas ‘di magbabago sa gitna ng UMIC status
- Ugnayan ng Pilipinas, Canada sa turismo, labor at migration palalakasin
- One-strike policy mahigpit na ipinatutupad sa BOC
