Matapos talunin ni Alex Eala si Oleksandra Oliynykova sa straight sets, Six-One, Six-Four, opisyal na nakapasok ang Filipina tennis star sa ikatlong round ng US Open 2026.
Ang panalo ay nagbigay kay Eala ng dagdag na puntos sa WTA live rankings, umabot sa two thousand two hundred seventy six points.
Sa kasalukuyan, nananatili siya sa Number-Sixteen live ranking, dahil hawak pa rin ni Sorana Cirstea ang Number-Fifteen na may two thousang two hundred ninety four points.
Kung makakapasok si Eala sa Round-of-Sixteen, posible niyang malampasan si Cirstea at makapasok sa Top-Fifteen.
Sa ikatlong round, makakaharap ni Eala ang mananalo sa laban nina Iva Jovic at Francesca Jones.
Kung si Jovic ang manalo, haharapin ni Eala ang isang batang American player na kilala sa agresibong baseline play.
Kung si Jones naman, makakalaban niya ang isang mas bihasang British player na kilala sa kanyang taktikal na diskarte.
Nakatuon sa top-fifteen na ang susunod na target ni Eala-— isang panalo pa ay abot‑kamay na.
Samantala, may mga ulat na posibleng patawan ng multa ng Women’s Tennis Association si Eala matapos niyang laktawan ang isang mandatoryong WTA event para unahin ang pagsisilbi sa Philippine national team sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.
Matapos ang US Open, nakatakdang sumabak si Eala sa WTA Five-hundred Singapore Open sa Setyembre Beinte-Uno.
Pero hindi siya kasama sa listahan ng WTA One-thousand China Open na gaganapin mula Setyembre trenta hanggang Oktubre Onse dahil sa kanyang commitment sa Asiad na nakatakda mula Setyembre Disinuwebe hanggang Oktubre Kuwatro.
Ayon sa patakaran ng WTA, ang mga manlalarong lumiliban sa mandatoryong torneo nang walang aprubadong medical exemption ay maaaring pagmultahin at patawan ng “zero-pointer ranking penalty,” kung saan itatala ang zero points sa ranking at hindi ito maaaring alisin sa loob ng isang taon.
Sa ilang ulat, sinasabing ang pagpili ng national team event kaysa tour-level tournament ay hindi awtomatikong nagbibigay ng exemption sa manlalaro.
Walang pang opisyal na pahayag hinggil dito ang organizers kaugnay sa maselang isyung ito at hindi rin nagbibigay ng opinion ang kampo ni Eala.
