Hindi masosolusyunan sa magdamag lamang ang problema ng pagbaha.
Ito ang sinabi ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon kasunod ng kabi-kabilang mga pagbaha na naitala dahil sa malalakas na pag-ulan dala ng Habagat.
“Walang overnight solution dito, kung ine-expect ng mga kababayan natin na masosolusyunan ’to nang isang taon nananaginip tayong lahat, hindi mangyayari ‘yan. This will take time,” ani Dizon.
“So ibig sabihin kapag ginawa natin nang tama naso-solusyunan pero kailangan buong bansa ganon ang gagawin natin,” dagdag pa niya.
Sinabi rin ng DPWH chief na habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman sa maanomalyang flood control projects, nakatutok naman ang ahensya sa pag-aayos ng mga palpak at inabandonang proyekto.
“Tuloy-tuloy naman tayo pero hintayin na lang natin yung Ombudsman. Kami kailangan namin ayusin lahat ‘tong mga problemang ganito,” sinabi ni Dizon.
=====
Trending
- Bacaro, Colonia nagwagi ng medalya sa Uzbekistan
- Manlalaro ng Ateneo Men’s basketball , biktima rin
- Liza Soberano unti-unting naaabot ang Hollywood dream
- Sophia Laforteza pahinga muna para sa mental health
- Awra Briguela binalikan ang nagawang pagkakamali
- NEA dapat tutukan ang rural electrification program
- ‘Di susuko ang Pilipinas sa Bajo de Masinloc
- Robin Padilla, misis ni Bato nagkita sa Davao
