Nagkita sa Davao sina Sen. Robin Padilla at ang asawa ni Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa.
Nangyari ang pagkikita ng dalawa sa Davao City sa okasyon ng pagbubukas ng isang restawran.
Kasama pa ni Padilla ang misis niyang si Mariel gayundin si Davao City Mayor Baste Duterte.
Ang misis ni dela Rosa na si Nancy ang nag-post ng mga larawan sa kanyang social media account.
Sa Facebook account ni Mariel, naka-post din ang mga larawan ng pagkikita. Makikita ring kasama nila ang kapatid ni Robin na si BB Gandanghari.
“Love you ate Nancy!!!! Nancy Dela Rosa so happy i got to see you!!!! Family tayo,” ayon pa sa caption ni Mariel.
Si Robin ay patuloy na iniimbestigahan sa naging papel nito sa pagtakas ni Bato mula sa kostudya ng Senado.

Share.
Exit mobile version