NAGPIYANSA na si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Hall of Justice ngayong Sabado ng umaga, Setyembre 5, 2026, isang araw matapos maglabas ng arrest warrant laban sa kanya kaugnay ng tatlong bilang ng grave threats.
Itinakda ang piyansa sa one-hundred-tweny thousand pesos kada kaso kaya’t umabot sa kabuuang three-hundred-sixty thousand pesos ang kanyang prenda.
Ito ay batay sa desisyon ni Quezon City RTC Branch Ninety-eight Judge Maria Angelica De Ramos.
Pinagbatayan ng desisyon ang Batayan ng mga pahayag umano ni Duterte noong Twenty-Twenty-Four na nagsasabing nag‑utos siya sa isang tao na patayin sina Pangulong Ferdinand Marcos Junior, Unang Ginang Liza Araneta‑Marcos, at dating Speaker Martin Romualdez kung siya ay mapatay sa isang sinasabing sabwatan laban sa kanya.
Sa panayam, sinabi niyang hindi siya ligtas at may mga dokumentadong banta at harassment mula Dosmil BeinteTres , kaya’t lumayo muna siya sa mga anak bago pumunta sa korte.
Ayon sa abogado niyang si Paul Lawrence Lim, haharapin ni Duterte ang mga kaso at hindi iiwas sa batas, habang ginagamit ang lahat ng legal na remedyo.
Ang Department of Justice ang naghain ng tatlong count ng grave threats noong Agosto. Nakita ng korte ang probable cause para ituloy ang paglilitis.
Inaasahang magpapatuloy ang paglilitis sa mga susunod na linggo.
