Pinag-aaralan ng Commission on Elections (Commission on Elections) ang muling pagbubukas ng voter registration para sa 2028 national at local elections pagsapit ng Pebrero 2027.
Ayon kay Comelec chairperson George Erwin Garcia, natalakay na ng poll body ang target na iskedyul matapos ang pagtatapos ng pitong buwang voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakda sa Nobyembre 2, 2026.
“Actually, we have already discussed February. More or less, that’s when we will have our registration. And hopefully, for those who were not able to register or those who have turned 15,” ani Garcia.
Hinimok niya ang mga hindi nakapagparehistro na samantalahin ang susunod na registration period lalo na para sa aniya’y napakahalagang 2028 presidential at vice presidential elections.
Ayon sa Comelec, umabot na sa 5,470,889 aplikasyon ang kanilang naproseso mula nang magsimula ang voter registration noong Nobyembre 20, 2025.
Nanguna ang Calabarzon sa may pinakamaraming naprosesong aplikasyon na 887,677, kasunod ang Central Luzon na may 613,185 at National Capital Region na may 598,427. Pinakamababa naman ang Cordillera region na may 75,822 aplikasyon.
Bukod sa mga bagong botante, tumanggap din ang poll body ng mga aplikasyon para sa transfer at reactivation.
Sinabi rin ni Garcia na nagpapatuloy ang overseas voter registration hanggang Setyembre 30, 2027, at hinikayat ang mga Pilipino sa abroad na maagang magparehistro sa pamamagitan ng satellite at “register anywhere” programs.
Samantala, kinumpirma rin ni Garcia na nakatanggap ang Comelec ng liham mula sa House of Representatives hinggil sa bakanteng puwesto matapos magbitiw si Pinoy Workers party-list Rep. Franz Legazpi.
Hinihintay pa rin umano ng poll body ang hiwalay na deklarasyon ng vacancy matapos ding magbitiw si 1 Tahanan party-list Rep. Nathaniel Oducado.
Trending
- Ramilo nagtapos na 23rd sa FIG World tourney
- Alyssa Valdez magbabalik sa Alas Pilipinas?
- ‘Powerpuff Girls’ voice actor Tom Kane pumanaw na
- Bimby papasok sa politika?
- Andrea Brillantes paandar sa binyag ng anak ni Bea Borres
- Ebidensyang hawak ni Romualdez vs PGMN, malakas
- Kalinga Act, aprubado na sa Kamara
- Comelec: May 5.3M newly registered voters sa 2026 BSKE

