Nahuli na ng Land Transportation Office (LTO) ang vlogger na si Ishi Lee matapos lumabag sa batas-trapiko.
Ayon sa Facebook post ng VISOR nitong Lunes, Abril 20, ang balita ay mula kay LTO Chief Markus Lacanilao.
“Huli na si Ishi Lee. Abusado. Hindi daw siya pwede hulihin. Pinagsisigawan pa ang mga enforcer namin,” ani Lacanilao batay sa post.
Nang mag-viral ang video na nai-post sa ‘The VISOR Community’ Facebook group na pag-video sa sarili ni Ishi Lee habang nagmamaneho ng puting Mazda Sedan.
Una nang sinabi ng LTO na posibleng maharap ang vlogger sa mga kasong distracted driving, reckless driving, compulsory registration of motor vehicle at pagiging improper person to operate a motor vehicle.
Trending
- Pulis-Maynila isa-summary dismissal, nananakot
- GM Antonio: Ika-5 sa Banja Open; hari sa 50+ division
- Ika-20 Kamatyas Chess Festival sa Nobyembre 21
- Gadgets sa barangay hall tinangay, 4 kawatan tiklo
- Paslit minolestiya, tambay dinampot
- May-ari ng pet crematorium sumuko sa NBI
- Bangkay sa CR , suspek tiklo
- ER sa Ospital ng Maynila napuno

