Tinanghal na isa sa 24 global winners sa Bloomberg Philanthropies 2025 Mayor Challenge si Pasig City Mayor Vico Sotto.
Layunin ng nasabing kumpetisyon na linangin o i-develop ang mga mapangahas at innovative na solusyon para maiangat ang buhay ng mga mamamayan sa iba’t ibang lungsod sa buong mundo.
“It pushed participating cities to go beyond the usual, encouraging leaders to rethink how core public services can be delivered more effectively with real, people-centered impact,” saad ng pamunuan ng kumpetisyon.
Bawat lungsod—kabilang na ang nasasakupan ni Vico—ay tatanggap ng $1 million grant, kasama ng operational support at karagdagang funding para sa mga dedicated teams.
Mahigit 630 lungsod mula sa 33 bansa ang lumahok sa challenge, na umabot sa 50 hanggang sa final round.
Sa Pilipinas, tatlong lungsod ang umabot sa final phase—Pasig, Butuan, at Maynila.
Tanging ang Pasig City ang nagwagi mula sa 24 winning cities mula sa 20 bansa.
Ang winning concept ng Pasig City ay nakatuon sa paglikha ng mas maraming open public spaces sa pamamagitan ng pagko-convert ng mga barges sa Pasig River bilang floating parks.
Kabilang din ang mga Pasigueño sa co-designing, building, at managing ng mga parks.
Unang ipinakilala ang nasabing konsepto noong 2025 sa pamamagitan ng isang prototype na tinawag na “Hope Float”—na dinevelop ng apat na barangay.
Ang lahat ng mga nagwaging lungsod ay tinipon sa Bloomberg City Lab sa Madrid, Spain nitong April 29 para talakayin kung paano maipapatupad ang mga innovation.
Trending
- NBA player Brandon Clarke pumanaw @ 29
- Gold medalist sa taekwondo, nalunod
- Matet, tinawag na ‘kampon’, rumesbak
- Vico, wagi ng $1M grant!
- Lito, basted kay LT?
- DA nagpatupad ng import ban sa live animals, animal products mula Greece
- Benhur Abalos namumurong Justice secretary
- Jed Mabilog bagong DILG undersec
