Iba talaga tumakbo ang isip ni Vice Ganda. Para talaga siyang kabayo sa bilis gumalaw.
Well, unkabogable talaga ang laki ng puso ni Vice Ganda nang bigyan niya ng kare-kare ang lahat ng street sweeper na contestant ng ‘Laro, Laro, Pick’.
“Lahat kayo ioorder ko, lahat kayo uuwi ng may bitbit na kare-kare. Kain din kayo ng masarap, habang kumakain kami ng masarap,” sabi ni Vice, na siyempre parang may patama na rin sa mga politiko na ang sasarap ng mga kinakain, habang may mga Pinoy ay nagugutom.
Naunang binigyan ni Vice si Bakulog ng kare-kare nang tanungin niya ito kung anong espesyal na pagkain ang gusto niyang kainin kasama ang kanyang pamilya.
Natuwa naman si Meme sa sagot ni Bakulog na masaya na siya basta magkakasama sila. Pero sa huli, sinabi rin niya na gusto niya ng kare-kare.
Bongga si Bakulog dahil nakaabot din siya sa jackpot round ngunit hindi niya nasagot ang pot question. Buti na lang at pasabog si Vice dahil maliban sa kare-kare binigyan niya rin si Bakulog ng P10,000.

Share.
Exit mobile version