REHAS na bakal ang kinasadlakan ng apat na indibidwal nang mahuli sa akto na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng isang kubo sa Valenzuela City.
Mahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek na sina alyas “Lindon”, 35, “Jay”, 33, “Jowel”, 43, at “Empre”, 31, pawang residente ng Brgy., Malanday ng lungsod.
Sa ulat ni police investigator P/MSg Ana Liza Antonio kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, nakatanggap ng reklamo mula sa isang concerned citizen ang mga tauhan ni P/Lt. Sherwin Dascil, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa nagaganap umanong illegal drug activity sa Manolo Compound, I. Fernando St., Brgy. Malanday.
Kaagad namang nagtungo sa nasabing lugar ang mga tauhan ni Lt Dascil kung saan naaktuhan nila ang mga suspek na nagpa-pot session umano sa loob ng isang kubo dakong alas-4:55 ng hapon na dahilan ng kanilang pagkakaaresto
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 1.5 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P10,200, dalawang nakabukas na plastic sachets na may bahid ng shabu at drug paraphenalias.(Roger Panizal)
Trending
- Embiid may injury ‘di makapaglaro
- Spurs, itinabla ang serye sa Game 2
- Sarah, proud sa BINI, ipinamana na ang trono
- Kris, nadale uli ng Covid
- Joaquin, ‘proof of life’ post kay Angel
- Lebel ng tubig sa Angat dam, patuloy na bumababa
- Paglago ng ekonomiya ng Pinas, bumagal sa 2.8%
- 28 lugar sa bansa, daranas ng “dangerous” heat index

