Ipinagtanggol ni NLEX Road Warriors head coach Jimmy Alapag ang mga manlalaro ng Gilas Pilipinas na napili para sa Asian Games.

Ayon kay Alapag, karapat-dapat kilalanin ang mga manlalaro dahil tinanggap nila ang responsibilidad na kumatawan sa Pilipinas sa kabila ng hindi magandang naging resulta ng koponan sa Japan.

Aniya, sa halip na sisihin ang mga manlalaro, dapat nang pagtuunan ng pansin ang mga dapat pang pagbutihin upang mas maging maayos ang performance ng national team sa mga susunod na kompetisyon.

Tinanong din si Alapag kung bukas siyang maging head coach ng Gilas Pilipinas balang araw.

Sinabi ng dating Gilas star na hindi lamang siya ang makapagdedesisyon tungkol dito ngunit handa siyang tanggapin ang oportunidad kung sakaling dumating ito.

“If ever the opportunity were to present itself, I’ll be ready,” ani Alapag sa panayam ni Anton Roxas ng Bilyonaryo News Channel.
=====

Share.