Nagsagawa ng airstrike ang militar ng United States laban sa ilang target sa katimugang Iran kabilang ang mga bangkang umano’y naglalatag ng mina at missile launch sites, ayon sa US Central Command (CENTCOM).
Sa inilabas na pahayag ng CENTCOM, sinabi nitong isinagawa ang “self-defense strikes” upang protektahan ang mga tropang Amerikano laban sa mga banta mula sa puwersa ng Iran sa gitna ng umiiral na ceasefire.
“US Central Command continues to defend our forces while using restraint during the ongoing ceasefire,” ayon kay Navy Captain Tim Hawkins, tagapagsalita ng United States Central Command.
Ayon sa militar ng US, tinarget ng operasyon ang mga Iranian boats at missile launch sites bilang bahagi ng kanilang defensive measures.

Share.