Nanganganib na madiskaril ang maselang tigil-putukan sa pagitan ng Iran at United States nitong Huwebes matapos ang matinding pambobomba ng Israel sa Lebanon, kabilang ang sentro ng Beirut.
Nagbanta ang Tehran na muling maglulunsad ng opensiba, sinasabing winasak ng Israel ang “batayan ng negosasyon.”
Iginiit ng Tel Aviv na ang kanilang kampanya laban sa Hezbollah ay hindi sakop ng kasunduan sa tigil-putukan.
Pinagtibay ng Washington na ang ceasefire ay tumutukoy lamang sa direktang U.S.–Iran hostilities, hindi sa operasyon ng Israel.
Ayon sa Lebanese Health Ministry, mahigit isang daan at walumput dalawa katao ang nasawi at halos siyam na raan katao ang sugatan sa pambobomba.
Nag-anunsyo ang Iran ng alternatibong shipping routes sa Strait of Hormuz dahil sa panganib ng sea mines, habang naiulat ang missile at drone attacks sa ilang Gulf states.
Inihayag ng Israel at U.S. na sakaling labagin ang ceasefire, nakahanda silang umatake muli na magpapala ng sitwasyon dahil inihayag din ng Teheran ang ganitong banta sakaling madiskaril ang Tigil-Putukan na tiyak na magbubunsod ng krisis sa pandaigdigang mercado.
Trending
- PAMBIHIRA: OIL PRICE ROLLBACK NEXT WEEK
- 4 ASTRONAUTS COMPLETED MOON ORBITS
- US-ISRAEL-IRAN CEASEFIRE CRACKS
- Lakers bigo vs Thunder
- Bol Bol ibinangko ni coach Chot
- Sister ni Winwyn Marquez wagi sa beauty pageant sa Indonesia
- Pinay singer bumida sa ‘Britain’s Got Talent
- Max Collins, pagod ng hanapin ang ama

