Nakapantay na ni Senador Raffy Tulfo si Vice President Sara Duterte, na may 46 percentage points, sa Pulse Asia presidential preference poll mula Pebrero 27 hanggang Marso 2.
Ang resulta na may kaparehong tanong ay nagpakita rin ng pag-arangkada ni Naga City Mayor Leni Robredo.
Tinanong kasi ang mga respondent ng, “If the May 2028 elections are held today, and the following are the candidates, who will you vote for as president in the following lists?”
Kinumpirma ni Pulse Asia president Ronald D. Holmes na ang survey results ay bahagi ng March 2026 Ulat ng Bayan survey.
Aniya, ang bilang ay batay sa rider questions na kinomisyon ng opisina ni Senator Juan Miguel Zubiri.
Pantay si Duterte at Tulfo sa 42 points sa National Capital Region habang nanguna si Tulfo sa 72 to 19, sa nalalabing bahagi ng Luzon.
Nakakuha naman ng 90 na score sa Mindanao si Duterte laban sa 9 ni Tulfo, at 64 kay Duterte sa Visayas laban sa 32 ni Tulfo.
Samantala, nanguna si Robredo sa 42 laban sa 41 ni Duterte sa NCR; at 67 laban sa 26 sa nalalabing bahagi ng Luzon.
Nanguna naman si Duterte sa Visayas sa 67 laban sa 31 ni Robredo, at 93 sa Mindanao laban sa 6 points ni Robredo.
Sa mga social classes, nanguna si Tulfo laban kay Duterte sa 49 to 29 sa ABC class. Nanguna naman si Duterte laban kay Tulfo sa 48 to 47 sa Class D, habang si Duterte naman ang angat sa Class E sa 63 to 32.
Sa Duterte-Robredo match-up, nanguna si Robredo sa ABC class sa 63 points laban sa 30 ni Duterte. Habang nanguna naman si Duterte sa Class D (53 to 41), at E (74 to 23).
Ang Ulat ng Bayan survey ay isinagawa mula Pebrero 27 hanggang Marso 2 sa 1,200 respondents edad 18 anyos pataas. May margin of error itong plus or minus 2.8%.
Trending
- Wowen’s football ng North Korea dadayo sa South Korea
- Anthony Edwards kuwestiyonable para sa game 1
- Tuesday Vargas umapela ng suporta
- Heart, umayuda sa mga batang may genetic blood disorder
- Sofia Trazona, ibinalandra ang ‘cocomelon’
- 1 pulis patay, 4 sugatan sa engkuentro
- Anti-political dynasty, LEDAC measures nakapila
- Seguridad sa trabaho at proteksyon sa scam

