Inanunsyo ng Butuan City Water District (BCWD) ang iskedyul ng pagrarasyon ng tubig kasabay ng patuloy na pagbaba ng suplay ng tubig dahil sa kakulangan ng ulan.
Ayon sa BCWD, nag-ooperate ito sa 39.81 million liters per day (MLD), na mababa na sa normal supply na 56.5 MLD.
Malaki rin ang pagbaba ng tubig mula sa bulk supplier nitong Taguibo Aquatech Solutions Corp. (TASC), na matatagpuan sa Sitio Iyao, Barangay Anticala, at hindi na makapagbigay ng sapat na suplay ng tubig sa mga apektadong concessionaires.
“This situation is caused by the prolonged hot weather and minimal rainfall in the area. As a result of the decreased water supply, the entire BCWD service area may experience low to no water pressure,” saad sa abiso.
Magkakaroon ng designated distribution points ang bawat apektadong barangay kung saan maghahatid at magbibigay ng tubig ang mga water tanker.
Ang water rationing ay tatakbo mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon ngunit inabisuhan ng BCWD ang mga residente na posibleng mag-iba ang aktwal na pagdating at operasyon ng tanker.
“We urge our concessionaires to refer to the BCWD Tanker Monitoring link posted on our official Facebook page for schedules.”
Nasa kabuuang pitong tanker truck ang lalahok sa pagrarasyon sa mga istasyon sa designated barangay na karamihan ay sa mga barangay hall, pamilihan, purok at subdivisions.
“The BCWD strongly urges all concessionaires to conserve water. Residents are advised to coordinate with their respective barangays, which will assist in the distribution process,” sinabi ng water utility.
Trending
- HDO GRAND SLAM : ROMUALDEZ, ESCUDERO, NGU BAWAL SA ABROAD
- BAGETS BASTED, NAG-SUICIDE
- CYBERCRIME:15 ARESTADO
- POLITIKA DI MASIKMURA, BINOE LALAYAS SA PINAS
- Lakers, pinadapa ang Rockets sa overtime, 112-108
- Alex Eala, Zeynep Zonmez lusot na sa unang round
- Mark, inamin hiwalay at balikan nilang mag-asawa
- Maymay, in-unfollow sina Donny at Kyle!

