INIHAYAG ng Bureau of Corrections (BuCor) nitong Biyernes na ipatutupad na ang mga pagbabago sa paghawak ng Trust Fund ng persons deprived of liberty (PDLs) sa Correctional Institution for Women at sa iba pang prison at penal farm.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr.kabilang sa hakbang ang pagkakaroon ng fidelity bond na nagsisilbing reimbursable insurance na nagpoprotekta sa pamahalaan laban sa mga pagkalugi na kinasasangkutan ng mga tauhang pinagkatiwalaan ng pampublikong pondo, ari-arian, o iba pang pag-aari ng gobyerno.
Inilabas ni BuCor director Catapang ang direktiba kasunod ng pagsusumite ng mga nadiskubre ng Internal Audit Service Unit (IASU), na inatasan niyang magsagawa ng internal audit sa PDL Trust Fund, kabilang ang kompensasyong kinita ng mga PDL sa mga piitan at penal farm na pinapatakbo ng BuCor.
Inatasan rin ng BuCor director ang mga kinauukulang tanggapan na kumpletuhin ang mga natitirang paghahanda para sa buong pagpapatakbo ng Cashless IPX System sa buong Kawanihan habang tinitiyak ang mahigpit na pagsunod sa kasalukuyang mga patakaran sa pansamantala.
Kapag ganap nang operasyonal, ang cashless transactions ang magiging pangkalahatang panuntunan. Ang pagtanggap, paghawak, pag-iingat, paglilipat, pag-withdraw, o pagpapalabas ng pisikal na salapi ay lilimitahan lamang sa mga sitwasyong tahasang pinahihintulutan sa ilalim ng umiiral na mga patakaran at proseso. (Gina Garcia)
Trending
- Lookout order vs Leviste, iba pa hiniling ng NBI
- Campus attack sa Banga, planado ng attacker
- Pacquiao : May honorary doctorate mula PNU
- Netizens, pinuri si Echo sa pagiging gentleman at sweet
- Atasha, nag-flex ng abs
- Katherine, hindi na naiilang kay Coco!
- ASIA TOUR NI GABE TARDIO SA OPUS MALL DINAGSA
- Philippines Men’s at Women’s Teams wagi sa 46th Chess Olympiad

