Inihayag ni United States President Donald Trump na pumayag siya sa dalawang linggong ceasefire sa Iran, halos dalawang oras bago ang itinakda niyang deadline sa naturang bansa na buksan ang Strait of Hormuz o haharap sa posibleng pagwasak ng kanilang mga imprastraktura.
Nauna rito, nagbanta si Trump na “isang buong sibilisasyon ang mamamatay ngayong gabi” maliban na lamang kung papayag ang Tehran sa kasunduan bago matapos ang ultimatum.
Sa isang post sa Truth Social nitong Miyerkoles ng umaga (oras sa Pilipinas), sinabi ni Trump na pansamantala niyang sususpindehin ang pambobomba at iba pang pag-atake laban sa Iran sa loob ng dalawang linggo.
Ayon kay Trump, nakabatay ang desisyong ito sa naging pag-uusap nila nina Prime Minister Shehbaz Sharif at Field Marshal Asim Munir ng Pakistan, na umano’y humiling na pigilan ang ang mapanirang puwersa. Binanggit din niya ang sinasabing pagsang-ayon ng Iran sa “kumpleto, agad, at ligtas” na pagbubukas ng Strait of Hormuz.
“This will be a double sided CEASEFIRE! The reason for doing so is that we have already met and exceeded all Military objectives, and are very far along with a definitive Agreement concerning Longterm PEACE with Iran, and PEACE in the Middle East,” ani Trump.
Dagdag pa niya, iniharap umano ng Iran ng isang 10-point proposal na nagsisilbing “workable basis” para sa mga negosasyon, at inaasahan niyang makakamit at maisasakatuparan ang isang kasunduan sa loob ng dalawang linggong tigil-putukan.
Trending
- Pambato ng PTA umabante sa Philta Women’s Open semis
- Annie Ramirez, Yman Xavier Baluyo PH flag bearers sa Asian Beach Games opening ceremony
- Celeste, ready ng magpa-sexy
- Kyline, magbibigay ng ayuda sa mga driver ng jeep
- Bea-Vincent wedding ‘di tuloy sa May 16
- 12 ex-Marines sa ‘maleta scam,’ Zaldy Co, paghaharapin sa Blue Ribbon hearing
- Validity ng mga lisensya at registration, extended na
- Angkas babawasan komisyon sa mga rider

