Iniimbestigahan na ng Batangas State University (BSU) Lipa ang nangyaring insidente kung saan inutusan umano ng isa nilang security personnel ang estudyanteng transgender na maghubad ng suot na bra.
Nauna rito, nag-rant sa kanyang Facebook page ang isang first-year College of Teacher Education student ang insidente noong September 8 nang sitahin siya ng kanilang security personnel sa pagsusuot ng earrings at bra.
Nangyari umano ito sa loob ng campus kung saan nasaksihan ng ilang estudyante at mga security personnel.
“Ako ay dumanas ng diskriminasyon dahil sa preference ko at hindi makatarungang pagtrato nang utusan ako na hubarin ang aking bra sa dahilan na ito ay labag daw sa dress code policy?
“Pati ‘pagsusuot ko ng bra papakialaman n’yo pa? Edi ako naman ang naging kahiya-hiya kung hindi ako magsusuot ng bra?,” ayon sa post ng estudyante.
Hindi naman umano hinubad ng estudyante ang suot na bra at pinagsabihan na lamang siya na huwag nang gawin ang cross-dressing dahil labag ito sa dress-code policy subali’t malaking kahihiyan ang naranasan nito kaya nag-rant sa social media.
Kaugnay nito, nagpalabas ng statement ang BSU Lipa nitong September 12, 2026 at sinabing inaaksyunan na nila ang insidente.
“Batangas State University Lipa acknowledges the serious concerns raised over the reported treatment of a first-year student during the implementation of the University’s dress code on September 8, 2026.
“We recognized the distress experienced by the student and the wider concern that the matter has caused within the University community and the public. The Campus recognizes its utmost responsibility to treat every member of the University community with dignity, respect, fairness, and sensitivity,” ayon sa statement.
Sa kasalukuyan, pinagkalooban na umano ng psychosocial support ang estudyante at nakausap na ang mga magulang nito.
Ipinatawag na rin umano ang security personnel na sangkot sa insidente.
“The circumstances surrounding the matter, including the manner in which the dress-code policy was interpreted and implemented, are being reviewed through these processes. The review is guided by fairness, objectivity, confidentiality, and due process, with respect for the rights and dignity of every person involved,” nakasaad pa sa stement ng paaralan.
====
Trending
- 2 menor de edad sugatan sa bakbakan sa Maguindanao del Sur
- Estudyante patay nang 2 beses masagasaan ng motorsiklo
- Transgender pinaghubad ng bra sa iskul
- Dyip tumagilid sa Maynila: 1 patay, 8 sugatan
- 4 NPA patay sa engkuentro
- Pinas, pinakamabilis umunlad na bansa sa PISA
- ‘Unified PWD ID System,’ kasado na!
- Baguio City, gold award sa ASEAN Smoke-Free Awards; Pasig bronze
