Bumaba ng 8% ang bilang ng mga sasakyan na bumibiyahe sa EDSA dahil sa mataas na presyo ng langis, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Martes, Marso 24.
Ayon kay MMDA general manager Nicolas Torre III, napansin ito ng ahensya matapos magsagawa ng behavioral traffic count mula Lunes hanggang Miyerkules.
“Nagsimula kami ng behavioral count Monday to Wednesday, nakita na namin ang 5 to 7, 8% na reduction sa mga sasakyan na dumadaan sa EDSA,” sinabi ni Torre sa panayam ng DZBB.
Itinuturo ni Torre ang pagbaba sa dami ng mga sasakyang bumibiyahe dahil sa mga isyu kaugnay sa suplay ng langis at presyo nito.
“Tinutuloy natin ang study. Inaalam natin kung ano ang further na epekto nito habang hindi pa nare-resolve ang lahat ng mga issues dyan sa Middle East at saka yung supply chain ng ating gasolina,” ayon kay Torre.
Sinabi rin ni Torre na ikinokonsidera ang karagdagang hakbang para pangasiwaan ang trapiko at suportahan ang mga commuter kabilang ang posibleng adjustments ng umiiral na transport policies at pagpapalakas ng mass transit system.
Kaugnay naman sa itinakdang transport strike sa tumataas na presyo ng petrolyo, nakikipag-ugnayan na ang MMDA sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Naka-standby naman ang mga tauhan ng MMDA para tumulong sa mga awtoridad bago ang deployment.
Handa na rin ani Torre ang mga libreng sakay ng bus na handang ipadala sa oras na may mga istranded na pasahero dahil sa strike.
Magiging strategic din aniya ang deployment at ibabase sa real-time monitoring sa pamamagitan ng CCTV system ng MMDA partikular sa mga pangunahing kalsada at transport hubs.
Trending
- Daniel Padilla kasama buong pamilya ni Kaila Estrada
- Alvin Aragon gusto patalsikin si Boy Abunda
- Atasha Muhlach pinagkalandakan ang abs
- Carlos Yulo may sweet na pagbati kay Chloe San Jose
- Alex Eala nanatiling kalmado nang matalo sa Miami Open
- Carlos, hinulaang talo sa 2028 LA Olympics
- Airport fees tatapyasan simula Abril – DOTr
- Gobyerno palalakasin industriya ng semiconductors, electronics sa bansa

