NASA halos 100,000 estudyante ng lungsod ng Parañaque ang makatatanggap ng tig P500 na allowance mula kindergarten hanggang Grade 12 para sa buwan ng Hunyo at Hulyo, ayon kay Mayor Edwin Olivarez nitong Martes, Setyembre 29.

Sinabi ni Olivarez na pinoproseso na rin ang allowance para sa Hulyo hanggang Agosto, at target na maipamahagi ito sa buwan ng Oktubre o Nobyembre.

Ang tulong ay bahagi ng patuloy na suporta ng pamahalaang lungsod sa mga estudyante at kanilang pamilya sa gitna ng tumataas na gastusin sa edukasyon.

Inanunsyo rin ng alkalde na tataas ang School Board budget ng Parañaque mula P1.5 bilyon patungong P1.65 bilyon sa susunod na taon.

Ayon s alkalde, ang mas mataas na alokasyon ay magbibigay-daan sa lungsod na mas mapalawak pa ang mga programang pang-
edukasyon at makapagbigay ng karagdagang suporta para sa mga estudyante,guro,at paaralan at mga programang pangkaligtasan.

Siniguro ni Mayor Olivarez na sa susunod na taon po ay mas malaki na ang budget nila para sa edukasyon. (Gina Garcia)

Share.
Exit mobile version