Naghandog ng ikatlong gold medal si EJ Obiena para sa Pilipinas sa ginaganap na Nagoya Asian Games matapos maghari sa men’s pole vault final .
Sa taas na five point ninety-one meters, hindi lamang niya tinalo ang mga katunggali mula China kundi nagtala rin ng bagong rekord sa paligsahan.
Ito na ang ikalawang sunod na Asian Games gold medal ni Obiena, matapos ang kanyang panalo sa Hangzhou noong Dosmil Beinte-Tres. Sa kanyang tagumpay, umakyat na sa labing-walong 18 medalya ang kabuuang bilang ng Team Philippines.
Kabilang ditto ang tatlong gold; tatlong silver ; at labindalawang bronze medals.
Bukod kay Obiena, nauna nang sumungkit ng gold si Carlos Yulo sa gymnastics –isa sa floor at isa sa vault exercises.
Nakuha ang silver medals nina Jean Claude, Saclag ; Women’s three-on-three basketball; at sepak takraw doubles.
Nagkamit naman ng medalya ang mga koponan sa basketball, sepak takraw, at esports sa iba’t ibang kategorya..
Sa kasalukuyan, nasa ikalabing-pitong puwesto ang Pilipinas sa medal standings—habang nangunguna pa rin ang China, Japan, at South Korea.
Sa bawat talon ni Obiena at bawat medalya ng mga Pinoy atleta, muling pinatutunayan ng Pilipinas na kaya nitong makipagsabayan sa pinakamahuhusay sa Asya.
Ang laban ay nagpapatuloy hanggang Oktubre kuwatro.
May pag-asa pang madagdagan ang ginto ng Pilipinas.
Kabilang sa inaasahan pa ng Pilipinas sina Alex Eala sa tennis; Carlo Paalam sa boxing ; Agatha Wong sa wushu; at mga triathletes na sina Fernando Casares at Marion Kim Mangrobang.
