Binatikos ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang mga telecommunications company at ang National Telecommunications Commission (NTC) dahil sa patuloy na mabagal at putol-putol na internet sa bansa.
“Ang ating internet talaga ngayon, ang ating data, nakakaawa ang Pilipinas,” ani Remulla sa kanyang programa sa radyo.
Dagdag pa niya, “Ang private sector corruption hindi puwedeng balewalain ‘yan kasi mas malaki ‘yan sa buhay natin. Itong buhay ng mga telco, ‘yung internet nilang babagal-bagal, puputol-putol. Walang ginagawa ang NTC. Wala talaga. Para silang empleyado ng mga telco.”
Inilabas ni Remulla ang pahayag ilang araw bago ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 27.
Matatandaang sa kanyang 2025 SONA, muling ipinahayag ni Marcos ang hangarin na mapabuti ang internet connectivity sa bansa.
Trending
- Joshua pinatigil si Prenga sa second round
- Alex Eala matindi unang kalaban sa Mubadala DC Open
- Robin, may sagot kay Angel
- Jillian, hilaw pa raw sa concert
- Yakapan nina Kathryn at Julia, nag-trending
- Upper middle-income status dapat maramdaman
- Pamamahagi ng firetrucks sa buong bansa
- Lebel ng tubig sa Angat dam, patuloy na bumababa

