Inanunsiyo ni Unkabogable Star Vice Ganda ang pansamantalang paghinto ng singing competition na “Tawag ng Tanghalan (TNT)” sa “It’s Showtime.”
Sa latest X post ni Vice noong Sabado, Hunyo 13, binanggit niya ang samu’t saring puna ng mga manonood patungkol sa kompetisyon.
Ito ay matapos ang Huling Tapatan ng TNT 10 kung saan itinanghal na kampeon si Yannie Paul Basical.
“I read ur comments during breaks and gets ko mga hanash nyo. Still, thank you for always supporting Tawag ng Tanghalan,” saad ni Vice.
Dagdag pa ng Unkabogable Star, “I appreciate the constructive criticisms. For now ipapahinga muna natin panandalian ang TnT para mas makapaghanda pa ang mga sasali”
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
“TNT is TNT pero agree ako na pahinga muna. Pwede siguro every other year na lang para talagang salang sala yung mga sasali.”
“This is good. Medyo mahihina nakukuha nyo contestants sa last season. Walang masyado wow factor”
“Ginawa niyo na lang kasing buffer ang tnt dzae. Nawala ang aliw sa interview eme. Sino ba kasi ang eenjoy ng laro laro pick.. jusq. Alternate niyo segment per day.”
“waley na talaga ang tnt for us, our family skips the tnt segment completely. It got boring for us, pero baka di naman to same sa lahat pero samin skip na talaga.”
“We missed the old TNT yung masaya, daming ganap, kulitan and etc. sama maibalik yung saya sa TNT kasi aside sa mga singer na gusto namin mapanood eh andun parin yung saya, kaso nawala yun and napunta sa laro laro pick or 1st segment meme @vicegandako”
“mag all star ulit HAHAHAHAHAHHA ang ganda ng bardagulan nila marko, ian and marami pa, nakakamiss yon, sana ibalik ulit yon”
Samantala, sa isang hiwalay na post, kinumpirma ni Vice ang pagbabalik ng segment na “Miss Q & A” sa darating na Lunes, Hunyo 15.
Trending
- South Korea, comeback win laban sa Czechia
- Garcia, Carlsen tabla sa ASEAN Esports Chess Cup
- Dating X-Men actor na si Tyler Mane, may breast cancer
- ‘Tawag ng Tanghalan’ mamamahinga muna – Vice Ganda
- Jeric Gonzales: 50-anyos bebot ipinalit kay Rabiya
- Mayor Magalong hinamon pangalanan ‘90% corrupt’ na kongresista
- Karamihan ng Pinoys, gustong manirahan sa ibang bansa
- 3,500 iskul sarado pa rin sa Mindanao quake
