Sa walang humpay na kampanya upang matiyak na ang mga nagtatagong kriminal ay mapapanagot sa batas, matagumpay na naaresto ng mga awtoridad sa Bataan ang tatlong wanted na mga pugante sa magkakahiwalay na manhunt operations sa buong probinsya.
Batay sa ulat na isinumite kay PColonel Marites Salvadora, ang joint tracker team ng Bataan 2nd PMFC, kasama ang Samal Municipal Police Station, Mariveles MPS, Balanga CPS, Bataan PIU, RID 3, PIT, RIU 3, at 302nd MC, RMFB 3, ay naaresto ang Top 2 Regional Most Wanted Person, na nakatala ring Top 2 sa antas probinsyal at Top 1 sa antas munisipal ng Samal, para sa krimeng ‘pagpatay’ sa Samal, Bataan, nitong Oktubre 4, 2026.
Samantala, nitong Oktubre 2, 2026, ang CIDG Bataan Provincial Field Unit, kasama ang Abucay MPS, Bataan PIU, at PIT Bataan, RIU 3, ay naaresto ang Top 3 Provincial Most Wanted Person para sa Statutory Rape at dalawang bilang ng Acts of Lasciviousness sa Abucay, Bataan.
Sa isang hiwalay na operasyon, ang joint tracker team ng Balanga City Police Station, kasama ang CIDG Bataan PFU, Bataan PIU, at PIT Bataan, RIU 3, ay nagsagawa ng buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa Top 10 Provincial Most Wanted Person para sa Acts of Lasciviousness sa Balanga City, Bataan.
Ayon kay PCol Salvadora, ang mga nabanggit na operasyon ay nagpapakita ng walang humpay na pangako ng Bataan PNP sa pagtugis sa mga wanted person at pagtiyak na ang mga kriminal ay mapapanagot sa ilalim ng batas, habang pinapalakas ang kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa buong probinsya sa buong suporta at gabay ni PBGen Jess B Mendez, regional director ng PRO3.(Danilo Gravador)

