Pinag-uusapan ng ilang netizens ang estado ng relasyon nina Sue Ramirez at Dominic Roque matapos mapansin ang tila pananahimik ng dalawa tungkol sa kanilang pagsasama sa social media.

Sa isang post sa Reddit, isang netizen ang nagtanong kung naghiwalay na ba ang celebrity couple dahil hindi na umano sila gaanong nakikitang magkasama sa kanilang mga social media account.

Mas naging kapansin-pansin umano ito habang nagluluksa si Sue sa pagpanaw ng kanyang ina na si Mommy Chit.

“Hiwalay na ba sila Sue & Dominic? Bat parang ang insensitive ng stories ni Dominic?” tanong ng isang Reddit user.

May isa pang netizen na nagbahagi ng sariling obserbasyon matapos siyang makatanggap ng batikos nang magtanong din tungkol sa relasyon ng dalawa.

“Naku pinost ko to sa ChikaPH [kung hiwalay na sina Dominic at Sue], dami nainis saken, ako daw ang insensitive, may nag PM pa saken galit na galit [emoji]so binura ko nalang,” kuwento niya.

Ipinaliwanag din niya kung bakit naging kapansin-pansin para sa kanya ang mga social media post ni Dominic habang nagluluksa si Sue.

“But totoo naman, wala man lang syang post. Or sige, ok lang kahit wala naman, but parang out of touch naman yung post sya nang post about sa sarili nya while nagluluksa gf nya?” dagdag niya.

May mga nagkomento naman na maaaring bahagi ng trabaho ni Dominic ang ilan sa kanyang posts dahil sa mga brand deal.

Gayunman, sinabi ng netizen na mayroon din umano siyang nakitang mga lumang post na hindi naman mukhang promotional.

“Sabe pa nung mga nagreply sa post ko, baka daw brand deals and need talaga ipost. Ok give ko na din yan. But nagrepost din sya ng stories nya from years ago na di naman pang brand deal? Buti pa si Javi, natouch ako sa post nya,” saad niya.

Samantala, may mga netizen namang nagsabing walang sapat na basehan para sabihing hiwalay na ang dalawa.

May nagbahagi pa ng mga larawan kung saan makikitang kasama umano si Dominic sa pamilya ni Sue sa burol ng kanyang ina.

“Andoon si Dom kasama family ni Sue based sa pictures nang isa sa mga family member ni Sue. Please people let’s stop measuring love and care through posts. Everything doesn’t need to be posted on social media,” pahayag ng isang netizen.

“Respeto na lang. Nagluluksa pa si Sue. Hindi naman nasusukat sa mga posts ang pagmamahal sa isang tao,” dagdag naman ng isa.

May isa pang nagbahagi ng larawan nina Sue at Dominic na kuha umano ni Chino Liu nang dalawin nito ang aktres.

Sa kabila ng mga haka-haka online, wala pa ring direktang pahayag mula kina Sue at Dominic tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
====

Share.
Exit mobile version