Nagulat ang fans ng KATSEYE matapos ipahayag ni Sophia Laforteza na pansamantala muna siyang lalayo sa grupo upang bigyang-prayoridad ang kanyang mental health at overall well-being.

Sa kanyang Instagram statement, sinabi ng Fil-Am member na hindi naging madali para sa kanya ang desisyong ito dahil mahalaga sa kanya ang pagpe-perform at makasama ang kanyang mga tagahanga.

“Making this decision wasn’t easy, but I’m learning that health has to come first. I’m realizing that if I don’t take care of my mind and body now, I won’t be able to keep doing what I love the most for so long,” pahayag ni Sophia.

Humingi rin siya ng pang-unawa sa kanyang fans habang nagpapagaling at nagpasalamat sa patuloy na pagmamahal at suporta ng mga EYEKONS.

“I promise I’m going to work as hard as I can to get through this, heal properly, and come back stronger,” ani Sophia.

Hiniling din niya sa fans na patuloy na suportahan ang KATSEYE habang siya ay nagpapahinga.

Nauna nang kinumpirma ng management ng grupo na HYBE at Geffen Records ang pansamantalang pagliban ni Sophia sa mga upcoming promotional activities.

Ayon sa management, matapos ang konsultasyon sa mga medical professionals ay inirekomenda sa aktres ang extended rest at patuloy na pangangalaga upang makapag-recover nang maayos.

Patuloy din umano nilang imo-monitor ang kondisyon ni Sophia at nakatakdang muling suriin ang kanyang kalagayan sa September bago magbigay ng panibagong update sa fans.

Si Sophia na ang ikalawang miyembro ng KATSEYE na pansamantalang nagpahinga dahil sa health reasons.

Nauna nang nag-hiatus si Manon Bannerman noong February ngayong taon.

Umaasa naman ang EYEKONS na magiging maayos ang recovery nina Sophia at Manon at muli silang makakasama ng KATSEYE sa kanilang mga susunod na ganap.

Share.
Exit mobile version