Nagpakitang-gilas ang bunsong anak ni Joey Marquez na si Jomelle Jeogy Marquez, kapatid ng 2017 Winwyn Marquez, matapos itong magwagi sa isang beauty pageant sa Indonesia.
Itinanghal kasi siya bilang first runner-up sa kategoryang “Miss Teenager Petite Universe” sa 2026 Mister and Miss Teenager Universe competition sa Bali, Indonesia.
Napanalunan ang korona ng pambato ng Mexico na si Andrea Paulino, ngunit ipinakita ni Jomelle ang husay at galing ng Pinay sa international pageantry.
Siya ay ipinadala sa nasabing kompetisyon ng Miss Teen International Philippines Organization matapos manalo ng titulong Miss Teen Global Beauty Philippines noong nakaraang taon.
Kasama rin sa tagumpay ng Pilipinas si Xiana Myers, na nagtapos bilang first runner-up sa Miss Preteenager Universe division.
Bukod sa kanila, nagpakitang-gilas ang iba pang Pinay contender na sina Crissha Mae Aves bilang fourth runner-up sa Miss Teenager Universe; si Vanderlei Zamora bilang third runner-up sa Mister Teenager Universe; si Bless Medina bilang 2026 Junior Miss Kids of the World; si Jayferson Rivera Ahaja bilang 2026 Little Mister Kids of the World; at si Alina Caily Gonito bilang Mini Miss Grand Kids.
Trending
- Lakers bigo vs Thunder
- Bol Bol ibinangko ni coach Chot
- Sister ni Winwyn Marquez wagi sa beauty pageant sa Indonesia
- Pinay singer bumida sa ‘Britain’s Got Talent
- Max Collins, pagod ng hanapin ang ama
- Pope Leo: Tigil-putukan sa Iran ‘senyales ng totoong pag-asa’
- Halos 3.7M nagparehistrong botante para sa 2026 BSKE – Comelec
- DICT: Roblox ‘di iba-ban sa ‘Pinas
