Mas Mataas na Singil sa Tubig sa Metro Manila Simula Oktubre
Inaasahang tataas ang singil sa tubig para sa mga konsumer sa Metro Manila simula sa susunod na buwan, matapos ayusin ng mga regulator ang rate ng Maynilad Water Services Inc. at Manila Water Co. Inc. dahil sa paggalaw ng palitan ng piso at dolyar.
 
Ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSSRO), ipatutupad ang pagtaas na ₱0.24 kada cubic meter sa mga bill ng Maynilad simula Oktubre 1.
 
Katumbas ito ng dagdag na ₱0.67 para sa mga kumokonsumo ng 10 cubic meters o mas kaunti,
 
₱2.54 para sa 20 cubic meters,
 
at ₱5.19 para sa 30 cubic meters.
 
Samantala, ang Manila Water ay magkakaroon ng ₱0.08 kada cubic meter na dagdag-singil.
 
₱0.34 para sa 10 cubic meters o mas kaunti,
 
₱0.75 para sa 20 cubic meters,
 
at ₱1.53 para sa 30 cubic meters.
 
Ang pagtaas ay bunga ng foreign currency differential adjustment para sa ikaapat na kwarter ng 2026 na inaprubahan ng MWSSRO Board of Trustees noong Agosto 7.
 
⛽ Kasabay na Pagtaas ng Presyo ng Langis
Inaasahan din ang malalaking pagtaas sa presyo ng langis sa susunod na linggo dahil sa tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan.
Batay sa galaw ng Mean of Platts Singapore at foreign exchange rates, tinatayang tataas ang presyo ng diesel ng ₱2 hanggang ₱2.50 kada litro sa Setyembre 15, habang ang gasolina ay posibleng tumaas ng ₱4.50 hanggang ₱5 kada litro.
 
⚡ Kaunting Ginhawa sa Singil sa Kuryente
Sa kabilang banda, may bahagyang bawas sa singil sa kuryente dahil ibinaba ng Manila Electric Co. (Meralco) ang rate ng ₱0.0409 kada kilowatt-hour ngayong Setyembre, bunsod ng mas mababang ancillary service charges at buwis.
Ang kabuuang singil para sa karaniwang sambahayan ay bumaba sa ₱14.7424/kWh mula sa ₱14.7833/kWh noong Agosto.
Share.
Exit mobile version