Humingi ng paumanhin si Interior Secretary Jonvic Remulla sa lalaking binigyan ng ticket nang mahuli na walang saplot pang-itaas habang naghahalo ng semento sa labas ng kanilang bahay sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.
“Ako po’y humihingi ng paumanhin. At pupuntahan ko po siya sa mga susunod na araw at sasabihin ko na, at ako na po ang hihingi ng paumanhin,” ani Remulla.
“It was my fault that I did not give clearer instructions on how to do the Safer Cities Initiatives. Nagkulang po ako ro’n,” dagdag niya.
Ayon kay Remulla, layunin ng kampanya na mapatahimik ang mga kalye nguni’t dahil sa kakulangan niya ng paliwanag kahit sino na lamang, basta walang t-shirt, dinadampot.
“Mali po ‘yon, nagkamali po kami do’n. And I take full responsibility. I will make amends and I will make sure na mag-usap po kami para maklaro ko po ‘to,” aniya pa.
Sa ilalim ng Safer Cities Initiative, aabot sa halos 6,000 katao na walang saplot pang-itaas ang nahuli sa Metro Manila mula Abril 6, habang mahigit 60,000 naman ang sinita sa iba’t-ibang paglabag na karamihan pag-inom ng alak at paninigarilyo sa pampublikong lugar.
Trending
- Pambato ng PTA umabante sa Philta Women’s Open semis
- Annie Ramirez, Yman Xavier Baluyo PH flag bearers sa Asian Beach Games opening ceremony
- Celeste, ready ng magpa-sexy
- Kyline, magbibigay ng ayuda sa mga driver ng jeep
- Bea-Vincent wedding ‘di tuloy sa May 16
- 12 ex-Marines sa ‘maleta scam,’ Zaldy Co, paghaharapin sa Blue Ribbon hearing
- Validity ng mga lisensya at registration, extended na
- Angkas babawasan komisyon sa mga rider

