Sexy lang ang suot, bold star na ang dating?
Hindi welcome sa mga fans ni Barbie Forteza ang pagsusuot ng mga revealing outfits ng kanilang idolo.
Anila, teenager pa daw ang Kapuso actress–hindi daw bagay.
Hello, FYI…28 years old na si Barbie!
At her age, ano naman ang masama kung may pa-cleavage at pa-pusod siya sa kanyang mga suot?
May violent reaction kasi nang maispatan si Barbie sa isang birthday party.
Para kasing bra top lang ang suot niya, pero may bra pa din siyang suot.
Naka-expose ang pusod at tyan niya, na inakala ng mga fans na magbo-bold na din.
What the fans failed to see, ganoon din ang suot ng mga bisita dahil “bold and beautiful” ang tema ng okasyon.
Kesyo ano na daw ang nangyayari kay Barbie–sasabak na din daw ba sa pagbo-bold?
Medyo “malandi” din daw sumayaw.
Juice ko, party ang pinuntahan ng idol nila–natural, may sayawan at hindi prayer meeting, ‘no!
Trending
- FILIPINAS VS UKRAINIE :WTA NO0.16 EALA KONTRA OLIYNYKOVA
- EJ Obiena nasungkit ang ginto sa ISTAF Berlin
- Lella Ford ibinigay na ang matamis na ‘yes’ kay Joaquin
- VMX star Lea Bernabe ayaw magkadyowa ng foreigner
- Charo Santos hindi tumatanda, pambato sa Chinese drama
- Anti-dengue, anti-leptospirosis pinalakas ng DepEd
- Army nagdagdag ng 2 battalion para sa BARMM Polls
- 3M ektarya ng sakahan poprotektahan sa paglawak ng solar projects
