Itinigil muna ang taping ng GMA seryeng tampok si Bea Alonzo, ang Whispers from Heaven.
Itinuturong dahilan nito’y ang maugong na balitang called off ang kasal ni Bea sa negosyanteng nobyo na si Vincent Co.
Balitang nakatakda sana ito sa May 14 sa Spain.
On Bea’s series, ikinagulat daw ng production staff ang “stop taping” nang walang ibinibigay na dahilan.
Wala ring makapagsabi kung kailan magre-resume ang taping sked.
Umaasa ang buong produksyon na matuldukan na sana kung anuman ang pinagdadaanan ni Bea.
Kahit daw mairaos man lang daw ang kasal sa simpleng paraan ay okay lang, matuloy lang ito.
Sa ngayon, hinihintay pa ang opisyal na pahayag mula kina Bea at Vincent.
Isa ding kailangang linawin ni Vincent ay ang tsikang hindi umano gusto ng kanyang mga magulang ang aktres.
Nagkasundo na raw sana sa prenup agreement, kaso’y may ipinadadagdag daw ang ina ni Vincent sa kontrata.
Trending
- FILIPINAS VS UKRAINIE :WTA NO0.16 EALA KONTRA OLIYNYKOVA
- EJ Obiena nasungkit ang ginto sa ISTAF Berlin
- Lella Ford ibinigay na ang matamis na ‘yes’ kay Joaquin
- VMX star Lea Bernabe ayaw magkadyowa ng foreigner
- Charo Santos hindi tumatanda, pambato sa Chinese drama
- Anti-dengue, anti-leptospirosis pinalakas ng DepEd
- Army nagdagdag ng 2 battalion para sa BARMM Polls
- 3M ektarya ng sakahan poprotektahan sa paglawak ng solar projects
