May bagong higanteng sandata ang Strong Group Athletics (SGA) sa hangarin nitong maipagtanggol ang korona sa 2026 William Jones Cup matapos kunin ang serbisyo ng dating NBA at Serbia national team center na si Boban Marjanovic.
Ang 37-anyos na 7-foot-4 center ay inaasahang magpapalakas sa opensa at depensa ng koponan sa torneo na gaganapin mula August 8 hanggang August 23 sa New Taipei City Xinzhuang Gymnasium sa Taiwan.
Ayon kay SGA founder at team owner Frank Lao, inaasahan nilang magiging pinakamahigpit ang kompetisyon sa Jones Cup ngayong taon dahil inaasahang magdadala ang bawat koponang bansa ng de-kalidad na mga manlalaro.
Bago sumabak sa NBA, tatlong beses na kinilalang Most Valuable Player (MVP) si Marjanovic sa Serbia.
Naglaro siya sa NBA mula 2015 hanggang 2024 para sa San Antonio Spurs, Detroit Pistons, Los Angeles Clippers, Philadelphia 76ers, Dallas Mavericks at Houston Rockets, bago ipinagpatuloy ang kanyang karera sa mga liga sa China, Turkey at Slovenia.
Nasa Group A ang Strong Group Athletics, kung saan makakalaban nito ang Chinese Taipei Blue, Korea at Japan.
Ang koponan ng Pilipinas ang naghari sa 2024 William Jones Cup at 2025 William Jones Cup.
===
Trending
- Serbian giant bagong armas ng ‘Pinas sa Jones Cup 3-peat bid
- LeBron James pumirma sa Philadelphia 76ers
- Vice Ganda, wagi ng 2 FAMAS Broadcast Awards
- Herlene, nagluluksa sa namatayan ng lolo
- Romnick, ipinagmalaki si Diokno
- Wind Power Project kinasela sa Banahaw
- Impeachment trial nais pang gawing simple
- EU nagkaloob ng 5 million euro security assistance sa Pilipinas

