Nakatakdang mag-convene ang Senado bilang impeachment court sa Mayo 18 o sa lalong madaling panahon, ayon kay Senate President Alan Peter Cayetano nitong Huwebes.
Sa isang press conference, kinumpirma ni Cayetano na natanggap na ng Senado ang Articles of Impeachment mula sa Kamara de Representantes laban kay Vice President Sara Duterte.
“Sa Monday, nasa order of business ‘yon. Ibibigay sa rules like any other. ‘Yung majority leader, acting majority leader, kanyang ipe-present. The likely scenario is we will organize muna the Senate so may mga committees, take that up. From the majority side,” ani Cayetano.
Wala naman aniya siyang nakikitang amendment sa rules at masaya rito ang majority bloc ng Senado kasunod ng kanilang caucus noong Miyerkoles.
Tiniyak din niyang anumang magiging antala sa proseso ay hindi manggagaling sa mayorya.
“That’s why sa letter, I just want it to be safe, sinabi ko do’n on Monday or the soonest time or forthwith. If everyone agrees to the rule, I do not see any reason why hindi kami makapag-convene sa Monday,” dagdag niya.
Paliwanag ng Senate President, sa oras na magkaroon ng motion to convene, siya ang mauunang mag-oath bilang presiding officer ng impeachment court, kasunod ang 23 senador.
Susunod naman aniya ang pag-iisyu ng mga summon at pagsisimula ng pormal na proseso ng impeachment court.

Share.