Muling bumisita si Senador Imee Marcos sa The Hague bilang bahagi ng kanyang pagsisikap na makita si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na kasalukuyang nakadetine sa pasilidad ng International Criminal Court (ICC).
Nauna na siyang pinagbawalan ng ICC sa kanyang unang pagtatangka noong Mayo.
Ayon kay Bise Presidente Sara Duterte, nakapagsumite na si Marcos ng pormal na kahilingan sa pamamagitan ng legal team ni Duterte.
Noong Mayo, sinubukan na ni Marcos bisitahin si Duterte sa Scheveningen Prison ngunit tinanggihan siya ng mga awtoridad ng ICC.
Nauna dito, muling iginiit ni Marcos ang kanyang pagtutol sa pagkakaaresto ni Duterte. Binanggit niya ang kanyang panukalang batas—Senate Bill 552 o President Rodrigo Roa Duterte Bill, na layuning gawing krimen ang “extraordinary rendition.”
Bagaman sinusuportahan niya ang panawagan ng mga kaalyado ni Duterte para sa pansamantalang paglaya, kinikilala ni Marcos ang proseso ng ICC bilang isang malayang institusyon.
Kumpirmado rin ni Marcos na nagsampa siya ng kaso sa Office of the Ombudsman laban sa mga taong umano’y sangkot sa pag-aresto kay Duterte.

Share.