Namataan ang negosyante at politikong si Sam Verzosa na may kasamang bagong aktres na mas bata raw sa kanya.
Sa isang viral TikTok video na ibinahagi rin sa iba’t -ibang showbiz sites, kitang-kita si Sam na masayang-masaya habang kasama ang aktres na si Faith da Silva.
Naispatan ang dalawa na magkatabi habang nanonood ng concert ng international singer na si Jessica Sanchez sa bansa.
Sa video, kapansin-pansin ang tila malalim nang samahan ng dalawa habang nag-e-enjoy sa musika, nakikipagkuwentuhan at magiliw na nakikipag-selfie sa mga tagahangang lumalapit sa kanila sa loob ng arena.
Nag-react ang mga netizen at nag-iwan ng kanya-kanyang hula sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
“Magkahawig end game na to.”
“Ayan naaa pinagpalit sa mas bata na naman!”
Matatandaang naging laman ng mga headline si Sam dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nila ng sikat na Kapuso star na si Rhian Ramos.
Noong Marso ngayong taon, opisyal nang binasag ni Rhian ang kanyang katahimikan sa “Fast Talk with Boy Abunda” at kinumpirmang tuluyan nang nagwakas ang kanilang apat na taong relasyon.
Ayon sa aktres, Oktubre pa ng nakaraang taon (2025) nang tahimik silang maghiwalay upang magpokus sa kani-kanilang personal growth.
Itinanggi rin ni Rhian na may kinalaman ang internet personality na si Wil Dasovich sa kanilang split-up.
Sa pinakabagong sighting na ito kasama si Faith, marami ang nagtatanong kung handa na nga bang muli si Sam na buksan ang kanyang puso o sadyang magkaibigan lamang sila na nag-enjoy sa musika?
Trending
- Perjury vs Trillanes isinamapa ni Mans Carpio
- Bato, tag ‘armed and dangerous’ pinalagan
- Gusali sa Pampanga guho : 30 natabunan
- Gusali sa Pampanga guho
- Gusali guho: 30 natabunan
- Eala at Tjen nagdala ng ‘pagmamalaki’ sa Timog-Silangang Asya sa Roland Garros
- Alyssa Valdez: ‘Hindi ako magsasawa na irepresenta ang bansa’
- Kylie Padilla nabawasan na ang angas, tapang dahil sa 2 anak

