Nagkaroon ng mas makabuluhang pagdiriwang ng kaarawan si Ryan Bang matapos niyang suklian ang kabutihan ng mga taong matagal nang nasa kanyang tabi simula nang magsimula siya sa showbiz.
Sa kanyang birthday vlog, ibinahagi ni Ryan na noong maging parte siya ng “It’s Showtime” noong 2010, pinayuhan siya ng kanyang mga magulang na ugaliing mag-ipon kahit maliit lang ang halaga bawat buwan.
Dahil sa kanyang disiplina sa paghawak ng pera, umabot sa P190,000 ang kanyang ipon.
Dinagdagan pa niya ito ng P10,000 mula sa kinita sa kanyang community market.
Bilang pasasalamat sa kanilang katapatan at suporta sa loob ng maraming taon, ibinigay niya ang tig-P100,000 sa kanyang personal assistant na si Joyce at sa kanyang driver na si Ronald.
Naglaan din si Ryan ng donasyon para sa isang paaralan sa Mindanao na naapektuhan ng malakas na lindol.
Marami namang netizens ang humanga sa kanyang pagiging mapagbigay at sa paraan ng pagpapakita niya ng pasasalamat sa mga taong naging bahagi ng kanyang tagumpay.
Trending
- Donovan Mitchell lumagda ng $273M max extension sa Cavaliers
- Alex Eala sasabak sa Mubadala DC Open
- Ryan Bang namigay ng tig-P100K sa PA, driver
- Alex, ibinuking na niligawan nina JLC at Papa P
- ‘Paglalandi’ ni Paolo sa beauty contestant, binisto
- Bonoan, ibinalik sa PNP General Hospital
- Titser, sumideline sa patulak ng droga
- Parak todas sa drug ops sa Cavite
