Contrary to speculations, si Rufa Mae Quinto–at hindi si Ellen Adarna–ang makakasama ni John Lloyd Cruz sa pagbabalik nito sa TV.
Mismong ang co-star nina JLC at Rufa Mae na si Bayani Agbayani ang nagbalita nito sa kanyang vlog.
Matatandaang naiulat na may nilulutong TV project ang mag-ex (JLC at Ellen) nang lumabas ang kanilang litrato sa social media kasama si Atty. Anette Gozon-Valdes.
Hindi pala sila ang bibida sa sitcom, na wala pang pamagat at ‘di pa alam kung sino ang magdidirek.
Balitang si JLC ang producer nito, at sa GMA lang ang airing.
Pero posible ding collab ito between JLC and the network.
Posible ding hindi kunin ni John Lloyd ang directorial services ni Edgar Mortiz dahil sa balitang isyu nila noon when they did a sitcom with Ellen.
Nonetheless, tama lang na maging active na uli ang aktor as his fans are excited to see him again.
Siyempre, malaki ang posibilidad na babalik na din si JLC sa paggawa ng movies once seen on TV.

Share.
Exit mobile version